Ang Kwento ng Lapis

Marami sa atin na bumabasa ng mga walang kabagay bagay na topic,
and today i'm going to share with you yung isang kwento ng nakapag inspire sa akin para makagawa ng kakaiba sa buhay ko.
This is the Short Story...
Isang araw may isang tatay na lapis na nag bibigay ng payo sa anak nya na lapis din (malamang).
TATAY: Anak bago mo kami iwanan may mga bagay ka na dapat tandaan sa journey mo sa labas ng kahon na ito.
ANAK: Ano po yun itay.
TATAY: Una: Importante ang laman na nasa LOOB mo.
Pangalawa: Wag kang matakot magkamali.
Pangatlo: Darating ang araw na mapupudpod ka at kailangan mo magpatasa.
Pangapat: Sa kahit anong bagay na gagawin mo wag na wag mong kalimutan MAGIWAN ng MARKA!
ANAK: Tatandaan ko po yan itay. Maraming salamat po.
Ang Kwento na ito ay mairerelate mo sa buhay mo.,
isipin mo ikaw ang batang Lapis na binigyan ng payo ng tatay at pwede mong makuhaan ng lesson.
ARE YOU READY TO LEARN? basahin mo hanggang dulo.
1. Importante ang laman sa LOOB mo -- kailangan alam mo kung ano ang purpose mo dapat mapagkonekta mo ang puso at isip mo don sa mga plano na binuo mo at dapat yung ATTITUDE mo ay laging positibo
makakuha ka din ng mga positibong Resulta.
Tandaan mo din ang good values na meron ka para mas maraming magtrust sa yo na tao at the same time dumami ang mga kaibigan mo.Hindi Imporatante ag pang labas, ang tinitignan ng tao eh kung ano ka at kung ano ang nasa loob mo.
Kasama na din ang paniniwala mo sa sarili mo at paniniwala mo sa panginoon.

2. Wag kang matakot Magkamali -- Ang lapis ay maypambura kaya magkamali man ayus lang tuloy tuloy lang!
Isa sa problema ng mga tao yung takot sumubok dahil sa ayaw nilang magkamali, tandaan mo na ang failure ay part ng success hindi sya opposite or negative side,dapat alam mo din na ang success ay isang proseso. maraming successful na tao ang hindi natatakot magkamali at sila pa yung asensado sa buhay you know WHY? kasi alam nila ang proseso ng pag asenso! and hindi sila natatakot sumubok kahit ilang beses silang madapa babangon at babangon sila hanggang sa maitama nila ang mali na nagagawa nila. And i want you to understand na sa bawat ginagawa mo always accept the failure at tumayo ka tapos ituloy tuloy mo kung ano ang ginagawa mo, dahil ang failure na yan ang magpapatibay sa yo bandang huli.

3. Darating ang panahon na mapupudpod ka at kailangan mong magpatasa -- Ang karunungan ay nawawala lalo na kung ikaw ay tumigil sa pahanap sa mga tanong mo, pero gaya ng isang lapis kapag ito ay pumurol kailangan mo lang kumuha ng pantasa at tasahan lang ulit para tumalim at magamit mo ng mas maayus at mas maganda. Huwag kang tumigil sa pagaaral lalo na sa bagay na gustong gusto mong gawin, bakit? dahil kapag tumigil ka ang pangarap mo ang mawawala sa yo kasi yun pagaaral na yun ang magiging susi para sa pag asenso mo.

4. Sa bawat bagay na gagawin mo dapat lagi kang nagiiwan ng MARKA! -- May kilala ka bang Artista sikat na sikat na artista paano mo sya nakilala? May kilala kabang politiko paano mo sya nakilala? May kilala kba na Negosyante paano mo sya nakilala? Simple lang ang sagot diyan mayroon kasi silang ginawang bagay na nag MARKA sayo at sa madaming tao. Kaya ka nainspired makinig sa kanila panoodin sila at idolohin sila kasi may mga bagay na meron sila na meron ka din. Sa lahat ng gagawin mo dapat nagiiwan ka ng MARKA para balang araw magawa ang bagay na meron sila ngayon.

P.S -- Let me know kung ano ang masasabi mo sa nabasa mo, mag COMMENT ka sa baba. Kung may napulot ka dito pwede mo din itong i share sa iba.
Until Nextime!
Your ON-line kapitbahay

- Jopher Madla