top of page

ABOUT ME

Maraming Salamat sa pag drop by at pag bigay ng oras para basahin ang Blog ko. Isa kang Malupet! kaya ako nakagawa ng ganitong blog dahil gusto kong ishare sa yo ang mga bagay na ginagawa sa buhay ko. Enjoy mo lang pag babasa ng blog ko at para makilala mo pa ako ng mabuti.

Pakilala muna ako ulit ako nga pala si Jopher Madla taga G.M.A, Cavite habang ginagawa ko itong blog na to ay 23 years old plang ako at kasalukuyan ako nagtatrabaho bilang isang OFW sa Taiwan.

Graduate ako ng Mechanical and Production Engineering Technology sa Technological University of th Philippines Cavite Campus 2012. 2010 is my first job sa amkor sa laguna tapos hanggang probationary lang ako don. 2nd job ROHM Mechatech Cavite 2012 ako and resigned ako don kasi nkaplano na akong mag work Abroad.

Sila naman ang pamilya ko ang mama ko ang papa ko ang mga kaptid ko, Sila ang dahilan o ang Deepest why ko kung bakit namulat na ang isipan ko sa maagang pagttrabaho, at magmature ng maaga. at dahil nga sa kanila gusto kong maging successful sa buhay.

Nainvolve ako sa NETWORKING nung nainvite ako ng elementary friend ko sa isang Part time job daw in short Nakidnap ako at dinala ako sa isang lugar kung saan kung saan madaming tao at pinakitaan at nilatagan ako ng marketing plan nila at nagustuhan ko, because gusto ko nga kasing umasenso sa buhay pero di nagtagal nagquit ako dahil pakiramdam ko di ako para sa network marketing to cut the long story short bumalik ako sa pagiging employee at naging OFW pa.

 

Habang nagtatrabaho ako dito sa Taiwan one time narealize ko na kahit nandito na ako kahit mas malaki ang kinikita ko kesa nung nasa pilipinas pa ako bakit wala pa din akong naiipon hanggang ngayun? at nalaman ko tumaas pala ang standard of living ko.

 

sabi ko sa sarili ko hindi pwedeng ganito "I need another source of income" at isa lang ang pumasok sa utak ko na mas mabilis kumita at alam ko na kung paano gawin at yun ay NETWORKING.

One time isang kaibigan ko ang nagintroduce sa akin ng video presentation kung saan makaatulong sa MLM business ko. Pinanood ko at ang nag avail ako ng product at pumsok sa Online course nila i said "WOW grabe ang internet marketing " and now i apply those things sa aking business.

 

Gusto ko kitang makasama sa journey ng internet life ko. Subscribe ka dito para maupdate kita sa ongoing trainnings nang team namin Click Here

 

Maraming Salamat sa pagbisita at GODBLESS! isa kang MALUPET!

  • Wix Facebook page
  • Wix Google+ page
bottom of page